Skip to main content

SAPAT NA NGA BA ANG "FAITH ALONE" PARA MALIGTAS?


Isa sa aral na itinuturo ng mga relihiyong nagpapakilala ding mga kristiyano ay ang aral na " SALVATION THROUGH FAITH ALONE". Itinuturo nilang wala nang kailangan pang gawin ang tao kundi tanggapin at sampalatayanan si Cristo sa kaniyang puso bilang pansariling Tagapagligtas ay sapat na raw para makamtan ng tao ang kaligtasan.

ILAN SA MGA RELIHIYONG ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:
Anglican/Episcopal
Lutheran
Southern Baptist
Reformed Baptist
Mennonite
Reformed (Continental)
Reformed (Presbyterian)
United Methodist
Non-denominational Evangelicals


Kasalungat ng Biblia ang pagtuturong sapat na sa tao ang sumampalataya lamang kay Cristo upang siya ay maligtas. Sa Santiago 2:14, 22 at 24 ganito ang sinasabi ng Kasulatan:

“Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?” (Santiago 2:14)

“Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;” (Santiago 2:22)


“Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.” (Santiago 2:24)

Upang pakinabangan sa ikaliligtas, ang pananampalataya ay dapat lakipan ng mabubuting gawa. Ang gawa ang nagpapasakdal sa pananam-palataya. Kailangan din sa ating pagsampalataya kay Cristo, ang tayo ay nakahandang makapagtiis alang-alang sa Kaniya. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:

“Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:” (Filipos 1:29)


Kailangang mamuhunan ng pagtitiis ang sumasampalataya alang-alang sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa ikapagkakamit nila ng kaniyang pangako:


“Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.” (Hebreo 10:36)


Kaya maling sabihing sapat na ang sumampalataya lamang upang maging alagad ni Cristo. Ang Panginoon mismo ang nagpapatotoo:


“Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;” (Juan 8:31)


Ang katumbas sa ibang salin ng Biblia ng binanggit na pananatili sa salita ay:


“Kung patuloy kayong susunod sa aking aral…”(Juan 8:31, Magandang Balita)


Samakatuwid ito ang mga dapat pang ilakip ng tao sa pananampalataya: ang mabubuting gawa, pagtitiis, at patuloy na pagsunod. Kasalungat ito ng ibig ipahiwatig ng ibang mga mangangaral ngayon na nagtuturong wala nang dapat gawin o puhunanin ang taong ibig maligtas maliban sa siya’y sumampalataya.

Ang dapat gawin ng sumasampalataya


Ano ang gawang dapat ilakip ng tao sa kaniyang pananampalataya upang siya ay makapasok sa kaharian ng Diyos? Dapat niyang ganapin ang kalooban ng Diyos. Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus:


“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 7:21)


Ang gumaganap ng kalooban ng Diyos ang tanging papapasukin sa kaharian ng langit. Kung nais ng tao na matupad ang kalooban ng Diyos upang siya’y makapasok sa kaharian ng langit, hindi niya maiiwasang matipon muna kay Cristo, gaya ng sinasabi ni Apostol Pablo:


“Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,” (Efeso 1:9-10)


Kalooban ng Diyos na matipon ang lahat ng tao kay Cristo. Subalit paano matitipon ang mga tao kay Cristo? Sa Roma 12:4-5 ay ganito ang pagtuturo ni Apostol Pablo:


“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.” (Roma 12:4-5)


Ang katumbas ng matipon ang lahat kay Cristo ay magkasama-sama bilang mga sangkap ng iisang katawan ni Cristo. Ang katawang tinutukoy ay ang Iglesia:


“At siya ang ulo ng katawan, sama-katuwid baga’y ng Iglesia…” (Colosas 1:18)


Ang iglesiang ito ay tinatawag na Iglesia ni Cristo:


“Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mgaiglesia ni Cristo.” (Roma 16:16)

Samakatuwid, ang nagpapahayag ng pananam-palataya kay Cristo ay dapat na pumayag na maging sangkap ng katawan ni Cristo o maging kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sa ganitong paraan niya matutupad ang kalooban ng Diyos na matipon ang lahat kay Cristo, at sa gayo’y makapapasok siya sa kaharian ng langit.

Comments

Popular posts from this blog

MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY, MAY PUWANG BA SA BIBLIYA?

ANO BA ANG MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY? Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano , ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa [1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo ) bago ang Pasko ng Pagkabuhay . Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10. Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen [2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan ), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaran

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ibang-