Skip to main content

Ang Pagharap sa Silangan kapag Nananalangin (Isa sa wirdong aral ng Ang Dating Daan)



Isa sa mga wirdong aral ng mga nagpapakilalang ANG DATING DAAN ay ang pagharap nila sa silangan o east habang nananalangin sa kanilang pagkakatiponn.


Ano ba ang paliwanag nila ukol sa wirdong gawain nilang ito?

Ayon sa isang blog ni Ely Sabactani isang ADD Defender, ganito ang kanilang paliwanag sa kanilang wirdong aral.


" BAKIT HUMAHARAP SA "EAST" ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NG DIOS SA TUWING NAGKAKATIPON SA PANANALANGIN"

Marami ang nagtatanung kung Bakit humarap sa "SILANGAN" kung mananalangin ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa Panahon ng pagkakatipun Ito ba ay Biblical...Totoo ba na sila ay Sumasamba sa Araw kaya humaharap sila sa "EAST" o "SILANGAN".

Ito ay mga tanung na ating sasagutin.Una Hindi Sumasamba ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa Araw "Sun" kundi ang sinasamba namin ay ang Dios Gumawa ng Langit at Lupa at ng lahat ng bagay na sa kanya tayo ay nabubuhay.(Acts 17:23,Neh.9:6)


Pangalawa ang pagharap ng mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa "EAST" ay bahagi lamang ng Kaayusan na sinusunod sa loob ng Iglesia sa tuwing sila ay nagkakatipun.


Ayon sa baluktot na paliwanan ng ADD kaya pala humaharap sila sa silangan habang nanalangin ay BAHAGI DAW ITO NG KAAYUSAN.


Si Haring Solomon noon ay nagpatayo ng bahay para sa Panginoon. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nananahan roon. Kaya may utos siya sa bansang Israel na..

2Chronica 6:34 Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa iyo sa dako ng bayang ito na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:

At ang mga Judio sa ibat-ibang mga dako ng mundo, kung sila ay sumasamba at nananalangin ay humaharap pa rin sila sa Jerusalem. Kaya tuwing sila ay sasamba o mananalangin, inaalam muna nila ang direction kung nasaan ang Jerusalem.

Ang ganitong pagharap ay applikable pa ba sa panahong kristiyano? Ang sabi ni Cristo..

Joh 4:20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.
Joh 4:21 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
Joh 4:22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.
Joh 4:23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Joh 4:24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Ang sabi ng babae kay Jesus " at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao."

Kaya naitanong yan dahil may utos sa mga Judio sa pamamagitan ni Haring Solomon na kung mananalangin o sasamba dapat humarap sa templo na nasa Jerusalem.

Pero pinagbawal na ni Jesus yon.

Pero may sekta na pinagbatayan nila ang ginagawang pagharap ng Israel sa Jerusalem sa templo ng Dios kung saan nananahan ang kaluwalhatian ng Panginoon. Pero iba ang pagharap nila dahil sila ay humaharap sa Silangan ng mundo. Dahil yon daw ang tamang pagharap dahil hindi naman daw pwede sa west dahil puro mali daw ang lahat ng relihiyon roon.

Ang napansin ko kaya humaharap ang mga Judio sa Jerusalem dahil humaharap sila kung saan nananahan ang kaluwalhatian ng Dios. Pero sa pagharap sa silangan ng mundo ay kaninong kaluwalhatian naman sila nahaharap?

At saka may dahilan ang mga Judio kung bakit sila humaharap sa Jerusalem. Dahil nasusulat..

2 HARI 5:15 At siya'y bumalik sa lalake ng Dios, siya at ang buong pulutong niya, at naparoon, at tumayo sa harap niya: at siya'y nagsabi, Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa Israel: isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod.

Kaya kung humaharap ang mga israelita, sa Jerusalem dahil nananahahan ang Dios sa Jerusalem.

Pero ngayon hindi na ang Jerusalem ang dakong panalangin at pagsamba kundi sa espiritu na at sa katotohanan.


WALA PO TAYONG MABABASA SA BIBLIYA NA KAILANGANG HUMARAP SA SILANGAN KAPAG NAGKAKATIPON O NANALANGIN.


Sa isang tagpo sa buhay ng ating Panginoong HesuCristo, paano siya nanalangin? Humaharap ba Siya sa silangan o east?



John 17:1 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
1Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:


Sa tagpong ito, nanalangin si Jesus pero hindi Siya humarap sa Silangan bagkus tiningala Niya ang kanyang mata sa langit.


Isa sa TALATANG pinagbabatayan ng mga ADD ay ang nakasulat DAW sa (Psalms 113:2-3 TEV) na ganito ang nakasulat "May his Name be PRAISED now and forever ,FROM THE EAST" to the west praised the name of the Lord"


TAMA BA ANG PAGKAKAUNAWA NILA SA TALATANG ITO?


BASAHIN NATIN SA ISANG SALING NG BIBLIYA

MGA AWIT 113:3

3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
1905 Ang Dating Biblia.

MALINAW SA TALATA na hindi tumutukoy sa pagharap sa silangan ang paraan ng pagpupuri sa Panginoon. MALING-MALI ANG BATAYAN NG KANILANG WIRDONG ARAL SA BIBLIYA. 

Hindi biblical ang pagharap sa silangan ng buong kapatiran ng ADD saan mang dako ng mundo sila naroon kapag sila'y mananalangin. Sa biblia ay mayroong dakong reperensya na hinaharapan ang mga Judio kapag sila'y mananalangin at yan nga ay ang Jerusalem. Sa mga kristiano ay walang utos na humarap sa alin mang partikular na dako kapag mananalangin. Ang ginagawang pagharap ng ADD sa silangan kapag silay mananalangin ay hindi naaayon sa ginagawa ng mga hudyo at di rin naaayon sa ipinag-utos sa mga kristiano.

Comments

  1. Bawal po ba humarap sa silangan pag manalangin?

    ReplyDelete
  2. kasi ang alam naman ntin yung gumawa nito ayaw ng KAAYUSAN.. HINDI RIN NAKAKAUNAWA NG BIBLIA YUNG GUMAWA NITO.. ang sabi sambahin ang Dios sa espiritu at katotohanan, ibig sabihin sasamba ka sa espiritu at katotohanan ang sasambahin mo yung espiritu ay hindi yung diosdiosan.. tama ang ginagawa ng taga ADD.. sa espiritu sila sumasamba, ngayon pag yung buong kapatiran my humahatap sa silangan my humarap sa kanluran EDI MAGULO YUN WALANG KAAYUSAN DUN.. ANG UTOS BIGYAN NINYO NG KAAYUSAN ANG LAHAT NG MGA BAGAY.. TAS SABI NG GUMAWA NITO SI KRISTO DAW SABI NYA TUMINGALA DAW SA LANGIT.. malamang nakapako si jesus sa krus kaya tumingala sya at nakikita nya ang Dios AMA.. KAYA ANG MGA KRISTYANO NAKALUHOD PAG MANANALANGIN KASI DI NAMAN NAKIKITA NG TAO ANG DIOS at saka kya nakapikit,,...eh si kristo kung tumingala yun kya nya makita ang Dios.. ibig mo bang sabihin pag mananlangin ka titingala ka din gaya ni kristo? para kn man engot nun.. panui pag mananalangin k ng tanghaling tapat sige nga tumingala ka at tingnan mo yung nasa taas? hahah mahina kokote ng gumawa nito..

    ReplyDelete
    Replies
    1. puro naman kalokohan yang depensa mo.. mahihina lang talaga sentido comĂșn nyo... kaya hindi mo naintindihan yung paliwanag... hindi nyo lang matanggap na WIRDO ang imbentong doktrina ni soriano... KAAYUSAN kayo .. yung mismong conviction business center wala sa kaayusan... magsasabi pa kayo ng KAAYUSAN.. yung iba habang nananalangin tulog.. :D

      Delete
    2. Speaking of KAAYUSAN, Coordinating Centers nyo na pinagdadausan nyo ng pagsamba wala sa kaayusan. Ginagawang tulugan, hapag kainan, play ground ng mga bata. Take note: HINDI KO PO SINABING BAWAL GAWIN ANG MGA ITO SA LOOB NG COORDINATING CENTERS NYO. Ang punto ko lang po ay ang sinasabi nyo pong kaayusan. Di ko pa isinali ang kalinisan dahil hindi naman yan kasama sa usapan.

      Baka naman sasabihin nyong "sa panahon lang naman ng pananalangin kami humaharap sa Silangan o East". Well, una, walang doktrina si Cristo tungkol sa kung saang direksyon dapat humarap sa panahon ng pananalangin. Ikalawa, ang Diyos ay espiritu, walang laman at mga buto kaya hindi Siya nakikita, nawawala ba ang kaayusan kapag nananalangin na nakayuko ang ulo at nakapikit ang mga mata? Hindi naman diba? Then why not just bow down your head and close your eyes? Besides, during congregational worship to God, the worshipers usually seat in one direction that is, towards the front where the minister will be delivering the sermon. Unless, sa ADD Coor. baka nakatalikod sa TV ang ibang mananamba nyo kung saan nagtuturo ang ministro nyo.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY, MAY PUWANG BA SA BIBLIYA?

ANO BA ANG MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY? Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano , ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa [1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo ) bago ang Pasko ng Pagkabuhay . Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10. Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen [2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan ), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaran

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ibang-

PAGSUSURI SA RELIHIYONG SEVENTH DAY ADVENTIST O SABADISTA

May mga pangkatin ng pananampalataya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath o pamamahinga sa araw ng Sabado. Mayroon ding pang katin ng pananampalataya na nagsasabing ang mga Cristiano ay hindi saklaw ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Dahil ditto mahalagang ating suriin kung ang mga Cristiano ay nasasaklaw o hindi ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Sa ikaliliwanag ng paksang ito, mahalagang malaman natin kung papaano ang pangingilin ng Sabbath, sang-ayon sa utos ng ating Panginoong Dios. Magpasimula po tayo sa pahayag ng Dios na: “ Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin mo itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho at gagawa ng lahat ng iyong Gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay sabbat sa PANGINOON mong Dios. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ni ang alila mong lalake o babae,ni ang iyong mga hayop, ni ang mga taga ibang baying nasa lugar na nasasakupan mo. Pagkat anim na araw na ginawa ng PANGINOON ang mg