Skip to main content

PISTA NG NAZARENO MAY WORLD RECORD DIN: MAY PINAKAMARAMING NASAKTAN AT BASURA


2K deboto injured, 30 trucks ng basura sa 19-oras translacion ng Nazareno



IPINAGMALAKI ng mga organizer sa pangunguna ni Quiapo Church rector Monsignor Jose Clemente Ignacio, ang matagumpay na paglipat ng imahen ng Itim na Nazareno sa isinagawang prusisyon kamakalawa mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church na tumagal ng nasa 19 oras.
Nabatid na nagsimula ang prusisyon dakong 7:30 a.m. kamakalawa at 2 a.m. kahapon nang naipasok nang tuluyan sa loob ng simbahan ang Poon na sinamahan ng milyon-milyong mga deboto.
Ito ay batay sa pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Manila Police District (MPD).
Samantala, nasa 30 trucks ng mga basura naman ang nahakot ng MMDA hanggang matapos ang aktibidad.
Nabatid na bahagyang nagkaroon ng ilang aberya ang Andas dahil sa ilang mga deboto na nais ibalik sa tradisyonal na ruta ang daraanan ng prusisyon.
Umakyat sa halos 2,000 deboto ng Itim na Nazareno ang nabigyan ng medical attention ng Philippine Red Cross at ng Department of Health (DoH) na sumama sa 19- oras traslacion ng Poon kahapon.
Sa ulat ng DoH, kabuuang 1,686 deboto ang dumanas ng minor injuries, nahilo, tumaas ang blood pressure, at inatake ng high blood.
Habang nasa 12 pasyente ang isinugod sa mga ospital.
Sa hiwalay na ulat ng Red Cross, nasa 832 indibidwal ang nawalan ng malay, suspected fractures, sumakit ang ulo at tumaas ang blood pressure.



Comments

Popular posts from this blog

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ib...

ANG PAGSUSURI SA ANG DATING DAAN NI G. ELISEO SORIANO

Mga kaibigan namin lalo na sa mga kaanib ng Members Church of God International Incorporated, tinatawag ding "Ang Dating Daan" napakalinis ng aming layunin sa paglalahad sa inyo ng ulat na n aglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang ito pagkatapos ninyong malaman ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang kinaaaniban ninyo sa ngayon. Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cr...

PAGSUSURI SA RELIHIYONG SEVENTH DAY ADVENTIST O SABADISTA

May mga pangkatin ng pananampalataya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath o pamamahinga sa araw ng Sabado. Mayroon ding pang katin ng pananampalataya na nagsasabing ang mga Cristiano ay hindi saklaw ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Dahil ditto mahalagang ating suriin kung ang mga Cristiano ay nasasaklaw o hindi ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Sa ikaliliwanag ng paksang ito, mahalagang malaman natin kung papaano ang pangingilin ng Sabbath, sang-ayon sa utos ng ating Panginoong Dios. Magpasimula po tayo sa pahayag ng Dios na: “ Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin mo itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho at gagawa ng lahat ng iyong Gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay sabbat sa PANGINOON mong Dios. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ni ang alila mong lalake o babae,ni ang iyong mga hayop, ni ang mga taga ibang baying nasa lugar na nasasakupan mo. Pagkat anim na araw na ginawa ng PANGINOON ang mg...