Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ib...
LAYUNIN PO NG BLOG NA ITO NA IBAHAGI ANG MGA ARAL NG DIYOS NA SINASAMPALATAYAN NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, SUMAGOT SA MGA ILANG KATANUNGAN SA MGA DOKTRINA NA AMING SINASAMPALATAYANAN AT IBUNYAG ANG MGA MALING ARAL NG IBAT-IBANG RELIHIYON SA MUNDO
Comments
Post a Comment