Skip to main content

ANG PAGSUSURI SA CHARISMATIC GROUP NA EL SHADDAI



Naririnig natin minsan sa mga miyembro ng isang charismatic group ng Katoliko ang pagsasabing " El Shaddai ako o El Shaddai kami"

Ano po ba ang ibig sabihin ng El Shaddai?

El Shaddai (Ebreo: אל שדי, El Shaday, "Diyos na Makapangyarihan"”, na isa sa mga pangalan ng Diyos sa Hudaismo) ay isa sa mga pinakamalalaking grupong Catholic Charismatic Renewal saPilipinas, na nagsasabing may walong milyong kasapi sa Pilipinas at sa iba’t iba nitong tsapter sa daigdig. Kasalukuyan itong pinamumunuan ni Bro.Mike Velarde na Servant Leader at namumuno nito na ginamit ng Diyos para masimulan ang gawain ng El Shaddai DWXI Prayer Partners Foundation International(PPFI). Nagsisilbing Spiritual Director nito ang Awksilyar na Obispo ng Manila na si Obispo Teodoro Bacani ng Simbahang Katoliko. (source: http://tl.wikipedia.org/wiki/El_Shaddai).

Ang ibig sabihin pala ng El Shaddai ay " Diyos na Makapangyarihan".  Lumalabas na kapag sinasabi nilang " El Shaddai Ako o El Shaddai Kami" eto ang sinasabi nila " Diyos na Makapangyarihan Ako o Diyos na Makapangyarihan Kami". Ito ay tahasang pag-angkin na sila ay mga dios.

Ano po ba ang sinasabi ng banal na kasulatan sa mga nag-aangkin na sila ay mga diyos o mga gumagamit sa PANGALAN NG DIYOS ng walang kabuluhan?

Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos upang aming maalamam na kayo'y mga dios,oo kayo'y magsigawa ng mabuti ,o magsigawa ng kasamaan ,upang kami ay mangawalan ng loob ,at mamasdan naming magkakasama .narito kayo'y sa wala ,at ang inyong gawa sa wala kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo.(Isa.41:23-24)

"Sapagkat sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.(Awit 139:20)

TORCH of SALVATION






Comments

Popular posts from this blog

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ib...

ANG PAGSUSURI SA ANG DATING DAAN NI G. ELISEO SORIANO

Mga kaibigan namin lalo na sa mga kaanib ng Members Church of God International Incorporated, tinatawag ding "Ang Dating Daan" napakalinis ng aming layunin sa paglalahad sa inyo ng ulat na n aglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang ito pagkatapos ninyong malaman ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang kinaaaniban ninyo sa ngayon. Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cr...

SAPAT NA NGA BA ANG "FAITH ALONE" PARA MALIGTAS?

Isa sa aral na itinuturo ng mga relihiyong nagpapakilala ding mga kristiyano ay ang aral na " SALVATION THROUGH FAITH ALONE". Itinuturo nilang wala nang kailangan pang gawin ang tao kundi tanggapin at sampalatayanan si Cristo sa kaniyang puso bilang pansariling Tagapagligtas ay sapat na raw para makamtan ng tao ang kaligtasan. ILAN SA MGA RELIHIYONG ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD: Anglican/Episcopal Lutheran Southern Baptist Reformed Baptist Mennonite Reformed (Continental) Reformed (Presbyterian) United Methodist Non-denominational Evangelicals Kasalungat ng Biblia ang pagtuturong sapat na sa tao ang sumampalataya lamang kay Cristo upang siya ay maligtas. Sa Santiago 2:14, 22 at 24 ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?” (Santiago 2:14) “Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip n...