Skip to main content

BAWAL NGA BANG MAGPASALIN NG DUGO AYON DAW SA MGA SAKSI NI JEHOVA?


Masama bang mag-donate o magpasalin ng dugo?

Ano ba ang dugo ayon sa Panginoong Diyos?


Levitico 17:11 “Sapagka't ANG BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: SAPAGKA'T ANG DUGO'Y SIYANG TUMUTUBOS DAHIL SA BUHAY.”

Ang buhay ng LAMAN ng isang TAO ay nasa DUGO at ibinigay ng Diyos ang DUGO para ipantubos sa BUHAY, gaya ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo.


Ang isang tao na nangangailangan ng dugo ay may pangangailangan na madugutungan ang kaniyang buhay. At ang pagbibigay sa kaniya ng dugo ay katumbas ng pagbibigay sa kaniya ng BUHAY.


Dahil ang dugo ay BUHAY:


Deut 12:23 “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”


At ang pagbibigay ng buhay sa ating kapuwa ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig ayon kay Cristo:


Juan 15:13 “Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”


Ang pagdodonate o pagbibigay ng dugo o buhay ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig sa kaibigan o ating kapuwa.


Kaya ang INC ay sumusoprta sa ganitong gawain ang PAGDODONATE NG DUGO. Ginagawa ito ng mga kapatid sa INC bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapuwa upang madugtungan o mailigtas ang kanilang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY, MAY PUWANG BA SA BIBLIYA?

ANO BA ANG MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY? Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano , ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa [1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo ) bago ang Pasko ng Pagkabuhay . Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10. Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen [2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan ), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaran

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ibang-

SAPAT NA NGA BA ANG "FAITH ALONE" PARA MALIGTAS?

Isa sa aral na itinuturo ng mga relihiyong nagpapakilala ding mga kristiyano ay ang aral na " SALVATION THROUGH FAITH ALONE". Itinuturo nilang wala nang kailangan pang gawin ang tao kundi tanggapin at sampalatayanan si Cristo sa kaniyang puso bilang pansariling Tagapagligtas ay sapat na raw para makamtan ng tao ang kaligtasan. ILAN SA MGA RELIHIYONG ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD: Anglican/Episcopal Lutheran Southern Baptist Reformed Baptist Mennonite Reformed (Continental) Reformed (Presbyterian) United Methodist Non-denominational Evangelicals Kasalungat ng Biblia ang pagtuturong sapat na sa tao ang sumampalataya lamang kay Cristo upang siya ay maligtas. Sa Santiago 2:14, 22 at 24 ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?” (Santiago 2:14) “Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip n