Maraming mga pangkati ng relihiyon ngayon na nagpapakilala daw mga kristiyano ang hanggang ngayon ay itinataguyod pa rin ang aral ng PAGBIBIGAY NG IKAPU, TITHES O 10%. Ilan sa mga relihiyong ito ay ang mga sumusunod:
MGA MORMONS
BORN AGAIN CHRISTIANS
BAPTIST CHURCH
ASSEMBLIES OF GOD
SEVENTH DAY ADVENTISTS O SABADISTA
ONENESS PENTECOSTALS
AT MARAMI PANG MGA RELIHIYONG PROTESTANTE
BORN AGAIN CHRISTIANS
BAPTIST CHURCH
ASSEMBLIES OF GOD
SEVENTH DAY ADVENTISTS O SABADISTA
ONENESS PENTECOSTALS
AT MARAMI PANG MGA RELIHIYONG PROTESTANTE
Ano ba ang paliwanag nila bakit tinataguyod pa rin nila ang aral ng pagbibigay ng IKAPU, TITHES O 10%?
Ganito ang paliwanag ng isang relihiyong nagtataguyod ng aral na ito ang mga nagpapakilalang MORMONS sa kanilang website na MORMON.ORG:
Bakit iniuutos sa mga Mormon na magbigay ng 10% ng kanilang kita sa kanilang Simbahan?

Sinabi ni Gordon B. Hinckley, dating Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw: “Ang pinakamalaking pinagkukunan namin ng panustos ay ang sinaunang batas ng ikapu. Ang aming mga tao ay inaasahang magbayad ng 10 porsiyento ng kanilang kita upang maisulong ang gawain ng Simbahan. Ang pambihira at kamangha-mangha ay ginagawa nila ito. Ang ikapu ay hindi tungkol sa pera kundi tungkol sa pananampalataya. Ito ay naging isang pribilehiyo at oportunidad, hindi isang pabigat. Naniniwala ang aming mga miyembro sa salita ng Diyos alinsunod sa itinuro sa aklat ni Malakias, na bubuksan ng Panginoon ang mga dungawan sa langit at magbubuhos ng mga pagpapala na walang sapat na silid na mapaglalagyan nito (Malakias 3:8-10). Nakatutuwa at nakaaantig ang patotoo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo tungkol sa batas na ito ng Panginoon sa pagtustos sa Kanyang gawain.
Ang utos na magbigay ng ikapu, o ikasampung bahagi ng pag-aari ng isa, ay kasama sa Kautusan ni Moises na ibinigay sa unang bayang Israel.
Saklaw pa ba ng kautusang ito hanggang sa panahong Kristiyano?
Ang mga tunay na kristiyano ay hindi na sa kautusan ni Moises sumusunod, sapagka't hindi na aariing ganap ang sinoman sa kautusan ni Moises, gaya ng nakasulat sa Gawa 13:39:
(39)At sa pamamagitan niya ang bawa't sumasampalataya ay inaaraing ganap sa lahat ng bagay, na sa mga ito'y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.
Kaya kahit sumunod ka sa kautusan na Ikapu, hindi ka rin aariing ganap, sapagka't ang Ikapu ay kasama sa palatuntan, kahatulan o sa madaling sabi, Kautusan ni Moises na isang bagay na hindi na ikaaaring ganap ng mga Tunay na Kristiyano
Ang Tunay na Kristiano ay ang Kautusan ni Cristo ang tinutupad, hindi sa kautusan ni Moises, gaya ng ating mababasa sa Gal 6:2
(2)Mangagdalahan nga kayo ng pasanin sa isa't isa, at TUPARING GAYON ANG KAUTUSAN NI CRISTO.
Kaya ang tutuparin sa panahong ito, ay hindi ang Kautusan ni Moises, kundi ang Kautusan ni Cristo. Sa kautusan ni Moises ay OBLIGADO ang pagbibigay at pagkuha ng IkAPU, samantalang sa kautusan ni Cristo ay pagbibigay ayon sa ipinasya ng puso.
I Cor 9:7 Magbigay ayon sa ipinasya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan; sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay ng masaya.
Ito po ang dahilan kung bakit walang IKAPU O 10% SA IGLESIA NI CRISTO.
Ito po ang dahilan kung bakit walang IKAPU O 10% SA IGLESIA NI CRISTO.
Comments
Post a Comment