Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2014

MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY, MAY PUWANG BA SA BIBLIYA?

ANO BA ANG MIYERKULES NG ABO O ASH WEDNESDAY? Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano , ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa [1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo ) bago ang Pasko ng Pagkabuhay . Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10. Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen [2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan ), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaran

BAKIT HINDI KUMIKILALA SA MGA SANTO ANG MGA IGLESIA NI CRISTO?

Isa sa mga tanong ng mga hindi namin kapanampalataya sa IGLESIA NI CRISTO ay kung bakit hindi kami kumikilala sa mga SANTO.  SINO BA YUNG MGA TINATAWAG NA SANTO? Santo Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Para sa ibang gamit, tingnan ang Santo (paglilinaw) . Ang isang santo ay isang partikular na mabuti o banal na tao. Ginagamit ang katagang ito sa Kristiyanismo , na may iba't ibang kahulugan sa iba't ibang mga denominasyon. Hango ang salita mula sa salitang Latin na sanctus (banal). Nagmula ang konsepto noong unang bahagi ng panitikang Kristiyanong Griyego na ginagamit ang salitang hagios ( Griyego άγιος nangangahulugang “banal”) at nasa Bagong Tipan , na sinasalarawan ang mga taga-sunod ni Hesus ng Nazareno . [1] ( http://tl.wikipedia.org/wiki/Santo ) Ang SANTO pala ay tumutukoy sa mga TAONG BANAL AT MABUTI. Ano ba ibig sabihin ng BANAL sa BIBLIYA "COLOSAS 1:22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagit