Skip to main content

BAKIT HINDI KUMIKILALA SA MGA SANTO ANG MGA IGLESIA NI CRISTO?


Isa sa mga tanong ng mga hindi namin kapanampalataya sa IGLESIA NI CRISTO ay kung bakit hindi kami kumikilala sa mga SANTO. 




SINO BA YUNG MGA TINATAWAG NA SANTO?

Santo
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Santo (paglilinaw).

Ang isang santo ay isang partikular na mabuti o banal na tao. Ginagamit ang katagang ito sa Kristiyanismo, na may iba't ibang kahulugan sa iba't ibang mga denominasyon. Hango ang salita mula sa salitang Latin na sanctus (banal). Nagmula ang konsepto noong unang bahagi ng panitikangKristiyanong Griyego na ginagamit ang salitang hagios (Griyego άγιος nangangahulugang “banal”) at nasa Bagong Tipan, na sinasalarawan ang mga taga-sunod ni Hesus ng Nazareno.[1] (http://tl.wikipedia.org/wiki/Santo)


Ang SANTO pala ay tumutukoy sa mga TAONG BANAL AT MABUTI. Ano ba ibig sabihin ng BANAL sa BIBLIYA

"COLOSAS 1:22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga BANAL at WALANG DUNGIS at WALANG KAPINTASAN sa harapan niya:"


Ayon sa bibliya ang BANAL ay WALANG DUNGIS at WALANG KAPINTASAN. Ibig sabihin hindi maaaring tawaging BANAL kapag may nagawa kahit katuldok na kasalanan.

ANO BA ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA TAO?

ROMA 3:23
23Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.


Lahat pala ng tao ay nagkasala. Maituturing pa bang banal ang tao kung nagkasala na? Ano ba yung isa sa katangian ng DIYOS na hindi naabot ng tao?

1 PEDRO 15-16
15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, SAPAGKAT AKO'Y BANAL."

MALINAW ANG SABI NG BIBLIYA, ANG DIYOS AY BANAL, ito ang ISA SA MGA katangian ng DIYOS na hindi maaaring maabot ng TAO, ang MAGING BANAL. 

SINO LAMANG ANG NAGIISANG TAO NA BANAL O HINDI NAGKASALA?

2 CORINTO 5:21
21Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

ANG ATING PANGINOONG HESUCRISTO LAMANG ANG TANGING TAO NA HINDI NAGKASALA. BAKIT NAGING BANAL SI CRISTO? DAHIL BA SIYA AY DIYOS?

JUAN 10:36
36Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?

KAYA PALA  BANAL O HINDI NAGKASALA SI CRISTO AY DAHIL PINABANAL SIYA NG TUNAY NA DIYOS, ANG AMA.

ITO PO ANG DAHILAN KAYA HINDI PO KAMI KUMIKILALA SA MGA SANTO SAPAGKAT LAHAT NG TAO AY NAGKASALA AT WALANG SINOMAN ANG NAKAABOT SA PAGIGING BANAL.





Comments

Popular posts from this blog

ANG TUNAY NA LIKAS NA KALAGAYAN NG PANGINOONG HESUCRISTO

Ang isa sa mga ikinatatangi ng mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay ang nauukol sa tunay na likas na kalagayan ni Cristo. Kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang mga katangian at karangalang taglay ni Cristo – Panginoon (Gawa 2:36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Tagapamagitan  (I Tim. 2:5), pangulo ng Iglesia (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia), Anak ng Diyos (Mat. 3:17). Kaya, mataas ang pagkalilala at pagpapahalaga ng Iglesia ni Cristo kay Cristo dahil ito ang itinuturo ng Biblia. Ngunit sa kabila ng mga katangiang taglay Niya, hindi Siya ang tunay na Diyos. Ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo tungkol kay Cristo ay hindi matanggap ng marami dahil inaakala nila na ang orihinal at naunang mga aral ng mga unang Cristiano ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao. Kaya, kapag ipinangangaral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay hindi Diyos, nagkakaroon agad ng maling isipan ang ibang tao na ang ganitong aral ay ib...

ANG PAGSUSURI SA ANG DATING DAAN NI G. ELISEO SORIANO

Mga kaibigan namin lalo na sa mga kaanib ng Members Church of God International Incorporated, tinatawag ding "Ang Dating Daan" napakalinis ng aming layunin sa paglalahad sa inyo ng ulat na n aglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang ito pagkatapos ninyong malaman ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang kinaaaniban ninyo sa ngayon. Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cr...

PAGSUSURI SA RELIHIYONG SEVENTH DAY ADVENTIST O SABADISTA

May mga pangkatin ng pananampalataya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath o pamamahinga sa araw ng Sabado. Mayroon ding pang katin ng pananampalataya na nagsasabing ang mga Cristiano ay hindi saklaw ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Dahil ditto mahalagang ating suriin kung ang mga Cristiano ay nasasaklaw o hindi ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Sa ikaliliwanag ng paksang ito, mahalagang malaman natin kung papaano ang pangingilin ng Sabbath, sang-ayon sa utos ng ating Panginoong Dios. Magpasimula po tayo sa pahayag ng Dios na: “ Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin mo itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho at gagawa ng lahat ng iyong Gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay sabbat sa PANGINOON mong Dios. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ni ang alila mong lalake o babae,ni ang iyong mga hayop, ni ang mga taga ibang baying nasa lugar na nasasakupan mo. Pagkat anim na araw na ginawa ng PANGINOON ang mg...