Skip to main content

Posts

Iglesia event to close Manila roads, reroute traffic on Saturday

Brace yourselves for another traffic-halting event on Saturday, February 15. The Iglesia ni Cristo will stage its INC World Wide Walk in the city of Manila. Roads will be closed and traffic will be rerouted. The Manila District Traffic Enforcement Unit announced that the event would start from 4:00 a.m. to 6:00 p.m. Road closures in Manila are as follows: Southbound lane of Anadalucia from Fugoso to Quezon Boulevard Southbound lane of España from Lacson to Lerma Westbound lane of Lerma fro España to Quezon Boulevard Stretch of Jones and McArthur bridges Northbound lane of Road 10 from Moriones to Delpan Bridge North and Southbound lane of Bonifacio Drive from Delpan Bridge to Katigbak Drive North and Southbound lane of Roxas Boulevard from Katigbak Drive to P. Ocampo East and Westbound lane of P. Burgos from Ma. Orosa to Roxas Boulevard East and Westbound lane of TM Kalaw from MH del Pilar to Roxas Boulevard Westbound lane of Finance Road from Taft Ave to P. Burgos...

BAKIT WALANG VALENTINE'S DAY ANG IGLESIA NI CRISTO

Ang "Valentine's Day" ay hango sa kapistahang pagano na "Lupercalia" na ng malaon ay nai-adopt ng Iglesia katolika bilang bahagi ng kapistahang kristiano. "Lupercalia"In ancient Rome "lu percalia" was a festival of purity and Firtility which began on the ides of february 15th to became in spring with some cleaning ,celebrate to honor roman god of agriculture and also pay homage to Romulus and Remus the wolf suckling founder of the Great Empire. Member of the luperci order of roman priest ,would go to the fabled cave where Rumulus and Remus were raised by thier she WOLF in order sacrifice a goat (for Fertility)and a dog (for purification)then boy would slice the goat hide into strips ,dif them into the sacrificial bloodand slap women's butts,and assorted crops with the bloody strips,apparently making everyone fertile.then all the young women in town would put thier names in a giant Urn and bachelor would reach thier hand in and be faired ...

ANG PAGLILIGTAS AYON SA KATUWIRAN NG DIYOS

MARAMING KURU-KURO ang ating naririnig kapag ang paksa ng usapan ay kaligtasan ng kaluluwa pagdating ng Araw ng Paghuhukom. May nagsasabi na huwag lang gagawa ng masama o ng kasalanan at magsikap lang na makagawa ng inaakalang mabuti ang sinuman ay ligtas na siya. Sinasabi naman ng iba na sapat nang sampalatayanan ang Panginoong Jesucristo bilang Panginoon at Tagapagligtas upang magtamo sila ng kaligtasan. May mga nagsasabi pa na wala raw kinalaman ang relihiyon para ang tao ay maligtas. Upang malaman natin kung sang-ayon sa Biblia ang iba't-ibang paniniwalang nabanggit ay mahalagang maunawaan muna kung ano ang batas ng Panginoong Diyos na itinakda Niya sa taong nagkasala. May ganitong sinasabi sa Biblia: "Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan" (Deut. 24:16). Ito ang batas ng Panginoong Diyos sa pagbabayad ng tao sa nagawang ...

ANG MAY KARAPATAN SA TUNAY NA PAGLILINGKOD

NAPAKARAMING BILANG NG mga tao ngayon na nag-uukol at nagsasagawa ng iba’t-ibang paraan ng paglilingkod sa Diyos. Palibhasa’y alam nila na ang hindi paglalaan o pag-uukol ng tao ng paglilingkod sa Diyos ay kawalan ng malaking utang na loob sa Diyos na Maylalang sa kaniya. Subalit kung mahalaga na kilalanin ng tao na katutubong pananagutan niya na maglingkod at sumamba sa Diyos, mahalaga ring matiyak ng tao na ang ginagawa niyang paglilingkod ay magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Bakit? Sapagkat hindi lahat ng uri ng paglilingkod na ginagawa ng tao kahit pa ipatungkol niya sa Diyos ay pahahalagahan at tatanggapin na ng Diyos, ayon sa Biblia. PINATUTUNAYAN NG BIBLIA Ang ating Panginoong Jesucristo mismo ang sumitas sa sinabi ng Diyos na walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa Diyos kailanma’t ang pagsambang iyon ay nakasalig sa aral at utos ng mga tao gaya ng mababasa sa Biblia na ganito: “Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaara...

ANG PAGKAKAIBA NG NASA LOOB AT NG NASA LABAS NG IGLESIA NI CRISTO

PINANINIWALAAN NG MARAMI na ang lahat ng relihiyon ay magkakapareho lamang sa harap ng Diyos. Kaya ang iba ay hindi maselan sa pagpili ng relihiyong inaaaniban. Kung alin ang babagay sa kanilang kursunada at paraan ng pamumuhay ay doon sila umaanib. Sang-ayon kaya sa pagtuturo ng Biblia ang paniniwalang ang lahat ng relihiyon ay magkakatulad lamang sa harap ng Diyos? Ganito kaya ang itinuro ni Cristo at ng Kaniyang mga apostol? Ayon sa pagtuturo ng Biblia, ganito ang pahayag ni Apostol Pablo: "Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus." (Roma 8:1) Pansinin na hindi sinabi ni Apostol Pablo na ang lahat ng tao o kahit sino na lamang ay wala nang hatol. Ang tinitiyak ng Biblia na wala nang hatol o hindi na parurusahan ay ang mga na kay Cristo. Mahalaga, kung gayon, na malaman ng tao kung sino ang tinutukoy ni Apostol Pablo na mga na kay Cristo at dito siya dapat mapabilang upang hindi makasama sa mga parurusahan. ANG MGA WALA NANG H...

ANG DAPAT TUPARIN NG MAGLILINGKOD SA DIYOS

MAY IBA'T-IBANG paniniwala tungkol sa kung papaano dapat isagawa ang paglilingkod sa Diyos. Para sa iba, sapat na ang kahit anong uri at paraan ng pagkilala at paglilingkod─iyon daw ay tinatanggap na ng Diyos. Kaya kapag may naririnig sila na taliwas sa kanilang pinaniniwalaan o opinyon ay ipinagkikibit-balikat na lamang nila. Papaano ba ang marapat na paglilingkod ng tao sa Diyos? At sino ang dapat masunod sa paglilingkod sa Kaniya? ANG TUNAY NA PAGLILINGKOD SA DIYOS Itinuturo ng Banal na Kasulatan ang paraan ng tunay na paglilingkod sa Diyos. Ganito ang pahayag: "At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo. Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?" (Deut. 10:12-13). Ang paglilingkod sa Diyos ay ...

PAGKILALA AT PAGSAMBA SA TUNAY NA DIYOS

YAYAMANG ANG ISA sa pinakamahahalagang elemento ng relihiyon ay ang pagkilala at pagsamba sa Diyos, kaya dapat suriing mabuti ng bawat isa ang pagkilala at pagsamba sa Diyos ng kinaaaniban niyang relihiyon kung nais niyang makatiyak na siya’y kabilang sa mga tunay na mananamba at tunay ang kanyang relihiyong kaniyang kinabibilangan. Ang tunay na mananamba ay nasa loob ng tunay na relihiyon at sumasamba sa tunay na Diyos. Itinuro ng ating Panginoong Jesucristo ang ganito: “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya” (Juan 4:23). Inuuri Niya rito ang mga sumasamba sa Diyos. Mayroon Siyang tinutukoy sa talatang ito na mga tunay  na mananamba. Ito’y nagpapahiwatig na mayroon ding mga  hindi tunay  na mananamba. Mangyari pa, ang mga tunay na mananamba ay ang mga mananamba sa tunay na Diyos. Labag sa katuwiran na...